Popular Links
Controller's Quick Links
Additional Quick Links
Other Resources
California Home
PATAKARAN NG PAGKAPRIBADO NG OPISINA NG KONTROLER SA ESTADO
Pinapangalagahan at pinoprotektahan ng Opisina ng Kontroler sa Estado (State Controller's Office, SCO) ang pagkapribado ng publiko at nagpapataw nang mahigpit na mga kontrol sa pagtitipon at paggamit ng mga personal na makikilalang datos. Ang personal na impormasyon ay hindi ihahayag, ipinapamigay, o ginagamit para sa layuning iba kaysa mga ispesipikong nakalaan sa oras ng pagkokolekta, maliban kung kinuha ang inyong pahintulot o kung inawtorisa ng batas o regulasyon. Ang mga ispesipikong isinasangalang-alang na pagkapribado ng SCO ay ang mga sumusunod:
- Ang SCO ay nagtitipon ng impormasyon sa pamamagitan ng mga makatarungang paraan. Anumang susunod na paggamit ng impormasyon ay limitado sa mga layuning katugon sa (mga)layuning ibinigay sa oras ng pagkolekta. Isinasaad ng batas ng California na ilang mga impormasyong inyong isinumite o kinuha ay maaaring maging pampublikong mga rekord sa ilalim ng Public Records Act. Gayunman, may mga limitasyon na magpoprotekta sa inyong personal na impormasyon na maging kasama sa mga pampublikong rekord.
- Ang e-mail ay itinuturing na kagamitang pang-komunikasyon, anumang datos na inyong ipinapadala sa pamamagitan ng email ay hindi ligtas o naka-enkripto sa SCO. Kung kayo ay sasagot ng surbey o magpapadala sa Departamento ng mensaheng e-mail, ang inyong address ng e-mail at ang impormasyong isinumite ay kukulektahin at maaaring ibigay sa ibang mga ahensiya ng Estado upang lalo kayong masilbihan sa inyong mga pangangailangan. Huwag magpadala ng anumang kompidensiyal o personal na datos sa pamamagitan ng e-mail kagaya ng inyong numero ng Social Security, numero ng kuwenta, numero ng kredit kard, o iba pang mga datos na maaaring makompromiso.
- Kayo ay responsable sa pagpoprotekta sa pagiging kompidensiyal ng inyong ginagamit na ID, password, at PIN. Kung ibibigay ninyo ang inyong ginagamit na ID, password, or PIN sa ibang tao, maaari nilang kunin ang inyong kompidensiyal na impormasyon.
- Kung titingnan ninyo ang inyong impormasyon sa Web Site na ito, ilang mga di-kompidensiyal na datos ay maaaring kolektahin, kagaya ng oras at petsa ng pagtingin at kung saan kayo pumunta habang kayo ay bumibisita. Ang Web site ay maaaring maglagay at pagkatapos makuha muli ang mga simpleng tekstong dokumento na tinatawag na “cookies” na kumikilala sa inyo at ang inyong computer sa aming Internet site. Ang mga cookies ay hindi naglalaman ng personal o kompidensiyal na impormasyon tungkol sa inyo at magagamit lamang sa pagsusubaybay ng aktibidad ng Web site na ito.
- Ang lahat na personal na impormasyon na isinumite sa SCO ay ligtas sa pagkawala, pagkasira, pagkapalit, hindi awtorisadong pagkuha, o paghahayag na kinakailangan ng pederal at Batas ng California, at ang patakaran ng State Administrative Manual. Ang nababagay na mga kontrol sa computer, network, at kaligtasang teknikal ay hinahadlangan sa antas ng empleyado at departamento ang hindi awtorisadong pagkuha ng impormasyon na boluntaryong ibinigay sa inyo. Ilan sa mga kontrol na pangligtas ay: password, beripikasyon ng pagkakakilanlan ng gumagamit, mga pag-enkripto ng datos, kompidensiyal na paghahatid, ligtas na lugar ng imbakan, at kasunod na pag-awdit. Ang mga empleyado ng SCO ay may edukasyon tungkol sa mga kailangan sa pagtatrabaho sa kompidensiyal at personal na maaaring makilalang impormasyon at gayun din ang mga resulta ng maling paggamit.
- Hindi ipagbibili o ipapamigay ng SCO ang inyong impormasyon sa sinumang hindi-pamahalaang pangatlong partido kung wala kayong pahintulot o inawtorisahan ng batas o regulasyon. Gagamitin lamang ng mga empleyado ng SCO ang personal na impormasyon na inyong isinumite sa kailangang-gamitin na basehan lamang upang makapagkaloob ng impormasyon o mga serbisyo.
- Iniimbak o ginagamit ng SCO ang personal na impormasyon na inyong isinumite para sa panahong kailangan. Ang personal na makikilalang impormasyon ay sinisira sa pamamagitan ng paglilinis, magnetikong pagtanggal/pagbura, paggugutay at/o iba pang paraan ng inawtorisang kompidensiyal na pagsisira kung hindi na kailangan at upang mahadlangan ang hindi awtorisadong pagkuha o paggamit ng datos. Ang regular na pag-aartsibo, paglilinis, at tamang pagtapon ng mga rekord at impormasyon ay karaniwang kasanayan sa buong organisasyon.
- Ang impormasyon sa Web Site na ito ay pampublikong Domain at maaaring kopyahin at gamitin kapag ipinapahintulot ng batas, maliban sa mga retrato at mga opisyal na simbolo. Habang sinisikap ng SCO na panatiliin ang pinakamataas na antas ng pagiging wastung-wasto, kami ay hindi mananagot sa mga kamalian at nakaligtaan na maaaring maganap. Kung kayo ay bumisita sa ibang Web Site na gamit ang pang-ugnay mula sa Web Site ng SCO, kayo ay sasailalim sa pagkapribadong patakaran at mga kondisyon ng Web Site na iyan. Ang SCO ay hindi mananagot para sa impormasyon o mga kasanayang sinusunod ng mga ibang Web site na nagkakaloob ng pang-ugnay na daan mula sa Web Site na ito.
Bilang pampulikong ahensiya, naiintindihan ng SCO ang importansiya ng pagpapanatili ng inyong pagkapribado at gagawin ang lahat na makakaya upang makamtan ang inyong pagtitiwala at kompiyansa tungkol sa pagkolekta at paggamit ng inyong personal na impormasyon.
Ang patakarang ito ay itinatatag at pinapanatili alinsunod sa Information Practices Act ng 1977 (Tituto 1.8 [nag-uumpisa sa Seksiyon 1798] ng Parteng 4 ng Dibisyon 3 ng Civil Code), Seksiyon 11015.5 at 11019.9 ng Government Code.
Kung mayroon kayong mga tanong o pagsasaalang-alang tungkol sa Patakarang ito, mangyaring kontakin ang Privacy Officer ng SCO.
Privacy Officer
State Controller’s Office
300 Capitol Mall, Suite 1850
Sacramento, CA 95814



