Popular Links
Controller's Quick Links
Additional Quick Links
Other Resources
California Home
Papel ng Payo sa Konsumidor
Paano ko maiiwasan na mapunta sa pamahalaan ang aking ari-arian sa hinaharap? Ang ari-arian ay mapupunta sa estado para mapangalagaan kung ang isang kompanya o institusyong pampinansiyal ay mawala ang kontak o komunikasyon sa may-ari ng ari-arian. Mayroong mga ilang hakbang na maaari ninyong magawa upang maiwasang mapunta ang inyong ari-arian sa estado:
- Magtago ng wastung-wastong mga rekord ng lahat na kuwentang pampinansiyal.
- Gumawa ng listahan ng lahat na inyong kuwenta sa bangko, tubo sa seguridad, mutual funds, kompanya sa seguro, taga-empleyo, deposito ng renta at kagamitan at ang kontak na impormasyon ng inyong institusyong pampinansiyal o ang kompanya.
- Panatiliin ang kontak sa mga institusyong pampinansiyal at kompanya sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng mga pagbabago ng address, pagbabago ng pangalan, o pagbabago ng pagmamay-ari dahil sa kamatayan o diborsiyo.
- Repasuhin ang inyong mga rekord pampinansiyal nang hindi kukulangin ng isang beses sa isang taon.
- Tsekin ang mga ulat ng bangko o iba pang mga liham na natanggap mula sa mga institusyong pampinansiyal nang palagi para sa mga paunawa na nangangailangan ng sagot.
- Sumagot sa mga kahalili na ipinadala ng mga industriyang pangseguridad.
- Panatiliing magkaroon ng taunang akitibidad ang inyong mga kuwenta. Gawing aktibo ang mga kuwenta sa pamamagitan ng mga pagkuha, deposito o liham na nakasulat o elektroniko.
- Panatiliing aktibo ang mga kuwentang Uniform Gift to Minors Act (UGMA) sa pamamagitan ng nakasulat o elektronikong kontak sa mayhawak.
- Bigyan ang inyong institusyong pampinansiyal ng pangalawang kontak o pangalan ng kontak na benepisaryo.
- Ihayag sa mga benepisaryo ang lahat ng inyong mga ari-arian na kasama ang mga mayhawak ng inyong ari-arian at balitaan sila kung kinakailangan.
- Sabihin sa inyong asawa, pamilya at tagapagmana ang lahat na inyong mga ari-arian.
- Gumawa ng kopya ng lahat na importanteng dokumento at siguruhin na alam ng inyong pamilya kung saan nakatago ang mga ito.
- Kuwartahin ang inyong mga dibidendo, tubo, o mga isinauling tseke na walang pagpapaliban.
- Ang mga tseke ng kahero ay dapat kuwartahin sa loob ng tatlong taon mula sa petsa ng pag-isyu o pagbalik sa bangko para sa pag-isyu uli.
- Ang mga money order ay dapat na kuwartahin sa loob ng pitong taon ng pagka-isyu o pagbalik sa bangko para sa pag-isyu uli.
- Kung ikaw ay ehekutor, tagapangasiwa, o administrador ng isang propyedad, ipagbigay-alam sa mga bangko, kompanya ng seguro, taga-empleyo, at iba pang mga institusyong pampinansiyal kung saan nakalagay ang ari-arian ng namatay na tao kaagad.
- Maghanda at magharap ng huling habilin na nagdedetalye sa pamamahagi ng inyong mga ari-arian.
- Alamin ang mga petsa ng hangganan ng mga pag-arkila at mga bayad sa renta na maaaring dapat nang bayaran sa kahong panligtas sa deposito at bayaran ang mga ito nang tama sa oras.
- Alamin palagi ang inyong mga kuwenta. Kung may isang bagay na magbabago, kagaya ng paghinto ng inyong pagtanggap ng mga tsekeng dibidendo, kontakin ang mayhawak upang siguruhin na ang inyong kuwenta ay aktibo pa rin.



